Prime Minister ng Papua New Guinea, paparating sa bansa para sa tatlong araw ng official visit

Nakatakdang dumating sa bansa ang Punong Ministro ng Papua New Guinea ngayong araw na ito para sa tatlong araw na official visit sa bansa.

Alas-10 ng umaga mamaya inaasahan ang pagdating ni Prime Minister Peter O’Neill sa Pilipinas.

Bukas ng gabi ang nakatakdang pagkikita nina O’Neill at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malakanyang kung saan, mag-iisyu ng joint statement ang dalawang lider.

Ito ay susundan ng state banquet dinner na inihanda ng Palasyo para sa bibisitang pinuno ng Papua New Guinea.

Bago ito’y kasama rin sa schedule bukas ng Pangulo at ni O’Neill ang bilateral meeting na gagawin din sa Malacañang kung saan, inaasahang mapag-uusapan ang bilateral ties ng Pilipinas at ng Papua New Guinea.

Huwebes ang nakatakdang pag-alis sa Pilipinas ng bibisitang lider pero bago tumulak patungong Japan ay pupuntahan muna nito ang kanyang huling itinerary at ito ay ang pagbisita sa Philippine Rise Research Institute sa Muñoz, Nueva Ecija. | via Alvin Baltazar