Presyo ng Russian submarines, masyadong mahal – DND Sec. Lorenzana

Inamin ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na masyadong mahal ang presyo ng Russian submarines.

Ayon sa kalihim, ang Russian submarines ay talagang magandang klase pero talagang napakamahal.

Aniya, mga mayayamang bansa lang ang nakaka-afford ng mga ito at maaaring piliin ng Pilipinas ang ibang supplier na may mas mababang presyo ng submarine.

Ang planong pagbili ng Russian submarines ay napag-usapan ng Philippine at Russian officials sa pagbisita ni Lorenzana sa Moscow.

Sinabi ni Lorenzana na pinag-aaralang mabuti ng submarine team ng Philippine Navy ang planong pagbili ng submarines kung saan kinukonsidera din ang Korea bilang posibleng supplier.

Magugunitang sinabi ng isang mataas na opisyal ng US Defense Department na si Randall Schriver na dapat pag-isipang mabuti ng Pilipinas ang planong pagbili ng submarine lalo na sa Russia. | ulat ni Leo Sarne