Presidential Spox Panelo, nilinaw na may utos ang Pangulo na ‘wag tumanggap ng loans, grants mula sa mga bansang sumuporta sa Iceland resolution

Nilinaw ngayon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na mayroon ngang inisyung memorandum ang MalacaƱang hinggil sa hindi pagtanggap ng bansa ng loans at grants mula sa mga bansang sumuporta sa resolusyon ng Iceland.

Kasunod ito ng lumabas na ulat nitong nakaraang Biyernes, kaugnay sa naturang memorandum na itinanggi nuong una ng tagapagsalita.

Pero ngayong umaga, ay nilinaw ni Panelo na mayroon ngang gayung Memo, at sinabing nalimutan lang aniya ng Pangulong Duterte ito at naalala lang sa ikalawang ulit na tanong, na tinawagan pala niya si Executive Secretary Salvador Medialdea noong kasagsagan ng isyu sa Iceland.

Matatandaan kasing nagsumite ang Iceland sa United Nations ng isang draft resolution na pirmado ng 18 pang mga bansa na humihiling na maimbestigahan ng UN ang estado ng kampanya kontra droga sa Pilipinas.

Nanindigan naman si Secretary Panelo na hindi kawalan para sa bansa ang mga loans at grants na ito.