Presidential Spox Harry Roque, ikinagalak ang kautusan ni Pangulong Duterte na huwag ng sagutin ang banat ng mga kritiko na may kinalaman sa West Philippine sea

Masaya si Presidential spokesperson Harry Roque sa naging direktiba ni Pangulong Duterte na huwag nang patulan ang pinagsasasabi ng mga kritiko na may kaugnayan sa West Philippine Sea.

Ayon kay Roque, nakakapagod na rin kasi ang sagot ng sagot sa ibinabato ng mga kritiko na aniya ay paulit-ulit lang na parang sirang plaka at wala namang bago sa mga pinapakawalang batikos.

Malinaw naman ani Roque ang motibo ng mga kritiko sa paggamit sa isyu ng West Philippine Sea at ito ay dahil sa ambisyon ng mga itong tumakbo sa 2022.

Dagdag ni Roque na baka maapektuhan lang din ang pangnasyonal na interes kapag ginawang political issue ang usapin kaya’t mas maigi talagang huwag ng patulan ang mga detractors.