Presidential Social Fund, maaaring magamit sa pagsasaayos ng PGH

Maaaring gamitin ang Presidential Social Fund, para sa mga kakailanganin sa pagsasaayos ng mga nasira sa Philippine General Hospital (PGH), bunsod ng sumiklab na sunog doon kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magsabi lamang ang PGH kaugnay sa kanilang kailangan at agad namang tutugon si Pangulong Rodrigo Duterte, lalo at una na rin itong nag-offer ng mas malaking halaga noon.

Ayon sa kalihim, nasa P25 million ang natatanggap at nagagamit ng PGH kada buwan mula sa Presidential Social Fund na ito.

Samantala, ngayong hapon ay tutungo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa PGH, upang tingnan ang mga danyos at kailangang kumpunihin doon.

Tiniyak MalacaƱang na prayoridad ng pamahalaan ang pagsasaayos ng PGH, lalo at kinikilala ito bilang premier teaching hospital sa Pilipinas, at importante sa buhay ng mahihirap na Pilipino.