Presidente at CEO ng Development Academy of the Philippines, pinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto

Pinadispatsa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mataas na opisyal ng Development Academy of the Philippines o DAP kasunod ng ilang mga reklamong galing mismo sa mga empleyado nito.

Presidente at CEO ng Development Academy of the Philippines, pinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto. Mga empleyado ng DAP, nagbunyi.

Pinadispatsa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mataas na opisyal ng Development Academy of the Philippines o DAP kasunod ng ilang mga reklamong galing mismo sa mga empleyado nito.

Kinilala ang sinibak na DAP official na si Ginang Elba Cruz na pinag-aalsa balutan na dahil umano sa mga kwestyonableng mga aktibidad nito at kawalan ng tamang pag-uugali upang pamunuan ang kanilang tanggapan.

Sa liham ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Cruz, isinasaad dito na inaatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cruz na agad na bakantihin ang kanyang posisyon bilang Presidente ng DAP gayung tapos na rin naman ang termino noon pang June 30, 2017.

Nagbunyi naman ang mga empleyado ng DAP sa termination ni Cruz at kanila aniya itong ikinukunsidera na pinakamagandang regalo mula sa pangulo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon sa DAP Personnel Association, ilan sa mga reklamo nila kay Cruz ay ang paglalagay nito ng non-plantilla personnel, umanoy pananakot sa mga kumukuwestiyon sa mga ipinapatupad nitong polisiya, madalas na foreign travels at marami pang iba. | via Alvin Baltazar