Presentasyon ng COVID vaccination card para sa interzonal travel, maaari nang alternatibo sa testing requirement ng mga LGU

Papayagan na bilang alternatibo sa testing requirement ng mga local government unit (LGU) para sa interzonal travel ang presentasyon ng COVID-19 domestic vaccination card, ngunit dapat ay pirmado ito ng lihitimong vaccination establishment.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ammendment kaugnay sa interzonal travel na una nang pinapayagan ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga nakalipas na resolusyon.

Ayon sa kalihim, ituturing rin na alternative ang presentasyon ng certificate of quarantine completion na nagpapakita ng vaccination status ng holder nito.

“The presentation of a COVID-19 domestic vaccination card duly signed by a legitimate vaccinating establishment, or certificate of quarantine completion showing the holder’s vaccination status as may be issued by the Bureau of Quarantine shall be sufficient alternatives to any testing requirement (before travel or upon arrival) which the local government of destination may require.” saad ni Secretary Roque.

Samantala, pinapayagan pa rin ng pamahalaan ang interzonal movement ng mga fully vaccinated senior citizen sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ.

Ayon kay Secretary Roque, kailangan lamang magpresinta ng COVID-19 domestic vaccination card ang mga ito, mula sa lehitimong vaccination establishments o certificate of quarantine completion mula sa Bureau of Quarantine (BOQ) na nagpapakita ng vaccination status ng mga ito.

“This, however, is subject to the presentation of a COVID-19 domestic vaccination card duly issued by a legitimate vaccinating establishment, or certificate of quarantine completion showing the holder’s vaccination status as may be issued by the Bureau of Quarantine.” ani Secretary Roque.

Nilinaw ng kalihim na ang mga interzonal traveler ay kailangan pa ring sumunod sa health at exposure screening arrival pagdating sa kanilang destinasyon.

“This interzonal travel shall likewise apply to fully vaccinated senior citizens. Also, the traveler needs to undergo health and exposure screening upon arrival in the local government of destination.” pahayag ni Secretary Roque.