Presensiya ng karamihan sa mga miyembro ng gabinete at tagasuporta sa ikinasang imbestigasyon sa Senado, nagbigay ng dagdag-lakas ng loob kay SAP Go

Malaking bagay para kay SAP Bong Go ang presensiya ng karamihan sa mga miyembro ng gabinete na nagbuhos ng kanilang panahon bilang suporta sa kanya kahapon sa pagharap niya sa Senado.

Malaking bagay para kay SAP Bong Go ang presensiya ng karamihan sa mga miyembro ng gabinete na nagbuhos ng kanilang panahon bilang suporta sa kanya kahapon sa pagharap niya sa Senado.

Ayon kay Secretary Go, malalim ang kanyang pakahulugan at para sa kanya’y hindi lang simpleng pagsuporta ang pagpapakita ng karamihan sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa ikinasang Senate Inquiry hinggil sa frigate controversy.

Para kay SAP Go, ito’y pagpapakita rin ng paniniwala ng kanyang mga kapwa miyembro ng gabinete na siya’y inosente at talagang wala siyang kinalaman sa bintang ng panghihimasok sa kontrobersiyal na kontrata.

Naging barometro rin ani Go ito upang lumakas ang kanyang loob sa kahapong Senate probe habang ang mga tagasuportang nagtipon-tipon din sa labas ng Upper Chamber ang kanya ring pinaghugutan ng lakas upang tumuntong sa Mataas na Kapulungan at mailahad ang katotohanan.

Mismong si Senate National Defense and Security Committee Chairman Senador Gringo Honasan ang nagsabing walang matibay na ebidensiyang magdidiin kay Go sa frigate deal kasunod ng ikinasang pagsisiyasat kahapon. | via Alvin Baltazar