Pres. Duterte, sang-ayon na di na kailangang imandato ang pagsusuot ng face shield sa publiko — mga senador

Ibinahagi ni Senate President Vicente Sotto III na sumang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lang dapat ginagamit at minamandato ang pagsusuot ng mga face shield.

Sa isang social media post, sinabi ni Sotto na ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanilang naging pagpupulong sa MalacaƱang kagabi. 

Aniya, pinayagan pa sila ng Pangulo na tanggalin ang kanilang mga face shield habang nakikipagpulong sa kanya. 

Kinumprima naman ni Senador Joel Villanueva ang pahayag na ito ng Senate president. 

Ayon kay Villanueva, nabanggit nila kay Pangulong Duterte ang nangyari sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole nitong Martes kung saan walang nasabi ang mga opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibang bansa ang nagmamandato ng pagsusuot ng face shield. 

Dahil dito, sinabi aniya ng Pangulo na hindi na ito kailangan pang suotin. 

Nasa MalacaƱang ang ilang senador para saksihan ang ceremonial signing ng ilang batas at nakipagpulong na rin sa Pangulo tungkol sa iba pang isinusulong na panukala sa Senado.