Pres. Duterte, Russian Pres. Putin, maghaharap sa isang bilateral meeting mamaya

Maghaharap mamaya sina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin para sa isang bilateral meeting na gagawin sa Sochi.

Una sa listahan ng mga aktibidad ng Pangulo ngayong araw na ito ang pulong nila ni Putin na kung saan, ilan sa mga posibleng mapag- usapan ng dalawang lider ay ang tugkol sa mga OFW, energy sources ganundin ang defense and security.

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, posibleng mabuksan sa isyu ng mga OFW ang pagkakaruon ng isang bilateral labor agreement lalot karamihan aniya sa mga nagtatrabaho ditong Pinoy ay undocumented.

Una na ding sinabi naman ni Sorreta na mahalagang mabuksan din ang usapin sa enerhiya gayung malaki ang maiaambag ng Russia sa Pilipinas sa aspeto ng energy source.

Bukod sa pulong kay Putin, makakapulong din mamaya ng Pangulong Duterte si King Abdullah Bin Al Hussein ng Jordan.

Haharap din mamaya ang Chief Executive sa Valdai forum sa Sochi kung saan makakasama niya ang iba pang apat g lider na sasalang sa plenary session.

Mula Sochi ay babalik na dito sa Moscow ang Presidente para sa pagpapatuloy ng kanyang mga akribidad kaugnay ng kanyang ikatlong araw bukas ng kanyang official visit dito sa Russia.