Pres. Duterte, aminadong mayroon pa ring korapsyon at di na mawawala kahit na sino pa ang pumalit sa kanya

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa rin nawawala ang katiwalian sa pamahalaan at kahit na sino pa ang maupo pagkatapos ng kanyang termino ay magpapatuloy pa ito.

Sinabi ng Chief Executive na hangga’t tumatakbo ang byurukrasya at naririyan ang mga mesa kung saan dumaraan ang mga papeles ay siguradong naririyan ang korapsyon.

Ang tanging paraan lang ayon sa Pangulo para mawala ang iregularidad ay ang isara ang gobyerno.

Ganunpaman, wala namang ibang opsyon para mapahinto ang korapsyon kundi labanan na lamang ito sabi ng Pangulo.

Kaugnay nito, idinagdag ng Presidente na hindi kailanman sila nagkaroon ng deklarasyon na libre na ang bansa sa korapsyon.