PRC, plano na ring maglunsad ng telemedicine

Naghahanda na ang Philippine Red Cross (PRC) para maglunsad ng sarili nitong COVID-19 telemedicine, kung saan maaaring matutukan ang lagay ng isang COVID-19 patient na nagpapagaling.

Ang hakbang ay dagdag na tugon ng PRC sa tumataas na namang bilang ng COVID-19 patients, na kasalukuyang naka-isolate.

Kaugnay nito, muling pinaiigting na rin ng Red Cross ang mga isolation facilities nito sa Metro Manila.

Matatandaang nakipag-partner na noon ang PRC sa ilang unibersidad, para sa pagbuo ng isolation facilities na nakatulong upang matugunan ang COVID-19 surge, noong nakaraang April 2021.

Ayon kay PRC Chair at Senator Richard Gordon, kailangang muling umaksyon upang maiwasan ng asymptomatic spreaders ang makapanghawa sa kanilang mga pamilya.

Sa ngayon, tuloy- tuloy pa rin ang pagbibigay ng COVID-19 isolation kits ng PRC sa mga pasyenteng nananatili sa quarantine facilities nito.