Posibleng pagsauli ng U.S. sa bansa ng makasaysayang Balangiga Bells, tanda ng tagumpay ng patakarang panlabas ng Pangulong Duterte

Tinawag ng isang political analyst na tagumpay ng patakarang panlabas ng administrasyon ng Pangulong Duterte ang posibleng pagsauli ng Estados Unidos sa bansa ng makasaysayang Balangiga bells.

Sa isang media forum sa Quezon City, sinabi ni Prof. Bobby Tuazon ng Center for People Empowerment in Governance na hindi dapat ituring na isang kabutihang loob ng US ang pagbabalik ng Balangiga bells.

Sa katunayan, ayon pa kay Tuazon, overdue na ang pagbabalik ng Balangiga.

Ito ay isang historical injustice ng Estados Unidos sa Pilipinas sa kanilang pananakop noon.

Nakalulungkot lang aniyang isipin na hindi pa rin humingi ng paumanhin ang Estados Unidos sa mahigit isang milyong Pilipinong rebolusyonaryo na nasawi noong Philippine-American War.  | ulat ni Rey Ferrer