Posibleng pagpapatupad muli ng ECQ, wala sa opsiyon ng pamahalaan

Huling baraha para sa MalacaƱsn ang pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine ng iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisikap ngayon ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat pa ng mas mabalasik na variant ng COVID-19 sa bansa.

Paliwanag ni Roque, kailangang maghanapbuhay ng ating mga kababayan kaya’t malayo aniya na maikunsidera na muling magpatupad ng lockdown kagaya ng mga unang sigwada ng naging pagtama ng pandemya.

Nakabantay aniya ng husto ang IATF na siya na ding nagdedetermina ng quarantine classification sa ilang mga lugar na tumataas ang kaso at nauubusan ng healthcare capacity.

Pakiusap naman ni Roque sa gitna ng peligro ng Delta variant na huwag makalimot sa mask, hugas, iwas at bakuna para sa mga pupuwede ng mabakunahan.