Posibleng intramurals sa Kamara sa Oct. 14, naiwasan dahil sa suspensyon ng sesyon nito — Sec Roque


Maituturing na matalinong political move ang ginawang suspensyon ng deliberasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hanggang November 16.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay dahil maiiwasan nito ang mga posibleng intramurals na maganap sa October 14.

“It’s not illegal. But I would think it’s a very astute political move because it avoided intramurals that could have possible happen in October 14.” —Secretary Roque.

Ito ay mayroon pa ring kaugnayan sa usapin ng term sharing sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Ayon kay Secretary Roque, hindi naman ilegal ang ginawang pagsuspinde ng sesyon sa Kamara.

Ang ibig sabihin lamang aniya ng break na ito, ay wala munang maka-kuwestiyon sa House Speakership, hanggang hindi nagbabalik sesyon ang Kamara sa November.

“There was a plenary vote that they will go on break already. That means no one can question already the Speakership on October 14.” —Secretary Roque.