Portfolio approach sa pag-angkat ng bakuna, pagsiguro ng steady supply ng vaccine sa bansa

Noon pa ma’y tinarget na ng pamahalaan na masiguro ang steady supply ng bakuna sa gitna ng tinaguriang portfolio approach sa pag-aangkat nito ng pitong brand ng vaccine.

Sinabi ni Dr. Ted Herbosa na ang naturang approach ang naging rekomendasyon ng vaccine experts panel hindi para sa layuning marami tayong mapagpilian.

Ito ayon kay Herbosa ay para masiguro na maging sapat ang bakuna sa gitna ng global shortage.

Epektibo naman ang nasabing approach at sa katunayan ay tuloy-tuloy na aniya ang pagdating ng ibat-ibang brand ng bakuna sa bansa.

Sa ngayon ay pitong brands na ang sabi ni Herbosa ng Food and Drug Administration (FDA) at ito ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, Janssen, COVAXIN ng India, at ang Moderna.