Population protection, maaabot sa sandaling matapos na ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 group

Sigurado nang makukuha ng bansa ang inaasam asam na population protection sa sandaling matapos na ang pagbabakuna sa mga nasa A1, A2 at A3 category.

Ayon kay Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., nasa 19 hanggang 25 milyon ang kabilang sa mga nabanggit na priority group.

Sa ngayon sabi ni Galvez ay naka 93 percent nang pagbabakuna sa hanay ng A1 group o ang mga health workers.

Sa 9.8 million naman na mga senior citizen o ang mga nasa A2 group ay nasa 1.3 million pa lang ang nababakunahan kaya’t nagbabahay bahay na aniya ang ilang LGU o sinusundo na ang mga senior papunta sa vaccination site.

Mula naman sa  5 million target population ng mga nasa A3 group o ang mga may commorbidities ay nasa 1. 17 million na ang nabakunahan na inaasahang tataas pa sa pagdating ng mas marami pang bakuna.