POPCOM, naglunsad na ng social protection program para sa teenage mothers

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), inilunsad na ng Commission on Population and Development (POPCOM) Social Protection program nito, na nakalaan na para sa mga teenage mother at kanilang mga anak.

Sa ilalim ng SPPTMC program, bubuo ang dalawang ahensya ng data sharing agreement (DSA) para tukuyin ang mga batang ina na nasa marginalized sector.

Gagamitin ang impormasyon dito, para sa pagbalangkas ng mga programa na susuporta sa mga adolescent mothers, kabilang na ang edukasyon, health at family development assistance.

Isa sa mga planong itaguyod ng POPCOM at DSWD, ang pagbibigay ng social amelioration program sa mga batang ina.

Ipinunto naman ni POPCOM Undersecretary Juan Antonio Perez III, na napapanahon ang partnership na ito lalo na at patuloy na tumataas ang teenage pregnancy sa bansa.

Batay sa datos ng POPCOM, inaasahang aabot pa sa 160,000 adolescent minors ang magkakapamilya ngayong 2021.