Pondo para sa buying capacity ng NFA, dapat dagdagan – MAKABAYAN Bloc

Isinusulong ng MAKABAYAN bloc ang hanggang sampung bilyong pisong dagdag na pondo para sa buying capacity ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, ang halagang ito ay gagamitin ng NFA na pambili sa mga palay ng ating local farmers.

Dapat aniyang maiakyat sa ₱20 ang halaga ng palay na binibili sa ating mga magsasaka na ibebenta naman sa merkado sa halagang ₱27  kada kilo ng bigas.

Ito ang nakikita nilang solusyon sa patuloy na pag aray ng mga magsasaka sa mababang bentahan ng palay na nasa ₱7 na lamang.

Nananawagan rin sila sa mga kasamahan nila sa kamara na suportahan ang kanilang panawagan.

Sa ngayon, ay itinaas na ng NFA sa ₱19 ang presyo ng palay, ngunit iniawas dito ang insentibo na 1.70 centavos, dahil sa kakulangan ng pondo para bilhin ito.