Pondo ng SK maaari nang gamitin para sa kanilang proyekto

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na gamitin na ang kanilang pondo para sa mga proyekto na nakalaan sa kapakanan at kapakinabangan ng kabataan.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, ang paggamit ng pondo ng SK ay alinsunod sa Joint Memorandum Circular ng Department of Budget and Management (DBM), DILG at ng National Youth Commission (NYC) na inilabas noong January 23.

Ibig sabihin, maaari ng gamitin ng SK ang kanilang pondo alinsunod sa giya ng Commission on Audit (COA) gaya ng budget execution phase or disbursement of funds.

Ang pondo ng SK ay mula sa 10 percent na kabuuang 10 percent general fund ng barangay.