Pondo ng mga LGUs para sa vaccine procurement, mas mainam na ilaan sa pagpapaigting ng PDITR strategy ng kanilang lugar, ayon sa NTF

Hinihikayat ng National Task Force Against COVID-19 ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na sa halip na maglaan ng pondo para sa procurement ng COVID-19 vaccine, ay ilaan na lamang ang pondong ito para sa pagpapalakas ng Prevent, Detect, Isolate, Treat, at Reintergrate (PDITR) startegy sa kanilang lugar.

Ito ayon kay NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ay ang pinakamabisang paraan upang pagaanin ang impact ng COVID-19 pandemic sa bansa, katuwang ng pagbabakuna ng pamahalaan.

“We urge our LGUs to instead use the funds they have allocated for vaccine procurement for strengthening their prevent-detect-isolate-treat-reintegrate or PDITR strategy. This, along with COVID-19 vaccines, remain the best ways to contain and mitigate the impact of COVID-19.” ani Secretary Galvez.

Makatitiyak naman aniya ang mga local government unit (LGU), na ang national government ay mayroong sapat na pondo para sa pagbili ng bakuna para sa lahat ng Pilipino.

Sa katunayan aniya, naka-order na ang gobyerno ng mga bakuna na higit pa sa target nitong populasyon na mabakunahan.

“We would like to assure our LGUs that the national government has sufficient funds to procure the vaccines. In fact, we have already ordered more than enough doses for our target population so that we can make up for slippages or shortfalls in deliveries.” ayon kay Secretary Galvez.

Ang hamon na lamang aniyang hinaharap ng lahat sa kasalukuyan ay ang limitasyon sa supply requirement ng buong mundo.

Dahil dito, muling nanawagan ang kalihim sa mga LGUs ng kaunti pang pang-unawa, lalo’t ginagawa naman na lahat ng NTF ang kanilang makakaya, upang maipamahagi ang mga dumarating na bakuna mga pinakanangangailangang lugar sa bansa, sa pinakamabilis na panahon.

“But we have to face the reality that vaccine makers are still not able to produce at a level that would meet the requirements of all nations. The issue is not just about having the resources to procure the vaccines but its limited supply in the world market.” pahayag ng kalihim.