Polisiyang nagpapahintulot sa pagbiyahe sa ibang bansa with exemption sa PCR test ng mga nakakumpleto na ng bakuna, wala pa — MalacaƱang

Umaasa ang Palasyo na sana’y magkaroon ng hakbangin ang World Health Organization (WHO) na maaari nang magtungo sa ibang bahagi ng bansa ang mga nakakumpleto na ng bakuna ng hindi na kailangang sumailalim sa PCR test.

Pero sa ngayon kasi ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay wala pang ganung polisiya lalo na’t nagsisimula pa lang sumipa ang malakihang pagdating ng mga bakuna.

Bukod dito ay wala pa rin umanong nabubuong consensus kung talagang magkakaroon na ng lifting of restrictions para sa mga indibidwal na nakatanggap na ng bakuna.

Pag-asa na lang nila ani Roque ay magkaroon sana ng mga bilateral negotiations sa pagitan ng mga bansa at sa huli’y magkaroon na ng multilateral treaty.

Mula naman dito sabi ni Roque ay magkaroon sana ng pagsusulong ang WHO para magkaroon ng ganung polisiya
na maaari nang makabiyahe sa ibang mga bansa nang wala ng PCR requirement.