Polio Prevention Forum, isinagawa sa Davao City

Siniguro ng Public Safety and Security Command Center (PSSCC) na araw-araw magmomonitor ang lungsod sa mga aktibidad lalo na kung magkakaroon ito ng epekto sa kalusugan ng mamamayan.

Una nang isinagawa ang Polio Prevention Forum, na pinangunahan ng PSSCC na dinaluhan ng mga nagmamay-ari ng mga resort at hotel, at opisyal ng coastal communities.

Nasa forum rin ang Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB), Department of Health (DOH) XI at Cultural Communities Affairs Development ng City Mayor’s Office.

Ayon kay PSSCC Deputy Head Angel Sumagaysay, napagkasunduan ng mga stakeholder na maging bahagi ng monitoring team para maiwasan ang nasabing sakit.

Nanawagan din ito sa mga opisyal ng barangay para sa mahalagang papel nila, lalo na sa kampanya laban polio, at makiisa sa programa ng City Health Office (CHO) at Department of Health (DOH).