Police visibility tiniyak ng PNP Chief ngayong Undas

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang pinaigting na police visibility ngayong Undas.

Ito ang inihayag ng PNP chief kahit na wala aniyang na-monitor na seryosong banta sa seguridad ang PNP sa panahong ito.

Gayunpaman, hindi aniya magpapakampante ang PNP at nakadeploy ang 32,000 PNP personnel mula sa iba’t ibang Police Regional Offices.

Ito’y para bigyang seguridad ang tinatayang 14.6 milyong mamamayan na inaasahang magtutungo sa 4677 public cemeteries at memorial parks at 76 na columbaria sa buong bansa.

Bukod aniya dito ay nakadeploy din ang halos 87,000 force multipliers mula sa mga LGU’s, civic action groups, volunteer organizations at motoring clubs para mandohan ang police assistance centers na nakaposte sa mga stratehikong lugar.

Nakatutok din aniya ang PNP sa pagbibigay ng seguridad sa 83 paliparan, 333 seaports, 808 terminal ng bus, at 59 na train stations sa iba’t ibang panig ng bansa para alalayan ang mga manlalakbay.  | ulat ni Leo Sarne