Police operational manual, pinapa-memorize ng PNP chief sa mga pulis

Inatasan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang lahat ng mga pulis na i-memorize ang police operational procedures o POPs na nakalagay sa kanilang operations manual.

Sa isang press conference sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, sinabi ng PNP chief na ito ay para maiwasan ang anumang akusasyon ng pang-aabuso sa pagganap ng tungkulin ng kapulisan.

Ang bawat istasyon aniya ay may kopya ng police operational manual na naglalaman ng mga tamang alituntunin sa pag-aresto o paninita sa mga indibidwal.

Kasabay nito, binilinan ni Albayalde ang station commanders na sila ang mananagot sa aksyon ng kanilang mga tauhan.

Aniya, ang mga commander ay dapat mag-exercise ng kanilang best judgment sa pag-handle ng mga kaso ng mga naaaresto ng kanilang mga tauhan, partikular sa ipinatutupad na kampanya laban sa mga tambay na lumalabag sa mga lokal na ordinansa.

Hindi aniya makatuwiran na arestuhin ang isang tao na naghihintay lang ng masasakyan sa daan sa kadahilanang naka-tambay ito sa kalye.  | ulat ni Leo Sarne