POGO hubs na ilegal na nag-ooperate sa QC, binigyan ng warning ng city gov’t

Binigyan ng 15 araw ng Quezon City government ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hubs na gawing legal ang kanilang operasyon sa Quezon City.

Kasunod ito ng isinagawang surprised inspections ni QC Mayor Joy Belmonte sa Eastwood City sa Libis nitong nagdaang gabi.

Sa kanyang paglilibot, nakitaan ang ilang POGO hubs na walang business permit kayat inisyuhan ng notice of violations.

Layon ng alkalde na lahat ng POGO centers na nag-ooperate sa QC ay tutugon sa local requirements ng lungsod para sa kanilang negosyo.

Ilan sa mga POGO hub na ilegal na nag-ooperate sa lungsod ay ang Omniworld Enterprise, Inc., Singtech Enterprise Inc. at Great Empire Gaming and Amusement Corp.

Bigo ang mga stablishment owner na magpakita ng mga kaukulang clearance para makapagtayo ng negosyo tulad ng locational clearance, sanitary permit, environmental clearance, occupational permits ng kanilang mga employees at iba pa.