PO1 mula sa Zamboanga Peninsula, kinoronahan bilang Ms. Ganda Pulis 2018

Si PO1 Madonna Gay Cajocon, ang kandidata ng Police Regional Office Zamboanga Peninsula kinoronahan bilang Ms. Ganda Pulis 2018.

Ang parangal ay iginawad kagabi sa awarding ceremonies sa Multi Purposes Center ng Camp Crame, matapos ipresenta ang mga finalist kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde kahapon ng umaga.

Ang ilan pa sa mga finalist na tumanggap ng parangal ay sina: PO2 May Shell Oro ng PRO Northern Mindanao, na hinirang bilang Ms. Makadiyos; PO1 Cris Pastores ng PRO ARMM bilang Ms. Makatao; PO1 Elymor Chrysma Caberto ng PRO Cordillera, bilang Ms. Makabayan; at PO1 Anne Jerica Buenafe ng PRO Central Luzon, bilang Ms. Kalikasan.

Ayon sa PNP chief, ang taunang patimpalak na nagtatampok ng kagandahan at kahusayan ng mga babaeng pulis ay pagkakataon para bigyang pagpapahalaga ng PNP ang “women empowerment” sa hanay ng mga pulis. | via Leo Sarne