PNP, walang inaasahang violent protest actions sa naging desisyon ng Korte Suprema na i-oust si Chief Justice Sereno

Walang inaasahang marahas na kilos protesta ang PNP kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema na i-oust si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao sa isang statement kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na pumabor sa ‘quo waranto petition’ na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Ilang mga demonstrador ang nagtipon sa harap ng Korte Suprema ngayong araw kasabay ng paglalabas ng desisyon na epektibong idineklarang bakante ang posisyon ng Chief Justice.

Tiniyak ni Bulalacao na bagama’t hindi inaasahan ng PNP na magiging marahas ang mga kilos protesta, nakahanda pa rin ang PNP na i-manage ang sitwasyon kung saka-sakali. | via Leo Sarne