PNP Personnel na tinamaan ng COVID-19, lagpas pitong libo na

7,029 na ang mga miyembro ng Philippine National Police na nag-positibo sa COVID-19 matapos na madagdagdagan ng 32 bagong kaso sa tala ng PNP Health Service kagabi.

Batay sa datos ng PNP Health Service, 8 bagong kaso ang naitala sa Police Regional Office (PRO) 11, tig 3 sa NCRPO, PRO 3 at PRO 8.

Tig-dalawa naman ang naitala sa National Adminsitrative at National Operations Support Units, PRO 5 at PRO 9

Habang tig-isa ang naitala sa National Headquarters, PRO 1, PRO 2, PRO 4A, PRO 6, PRO 10, AT PRO Cordillera.

Bumaba naman sa 596 ang total active cases sa hanay ng PNP makaraang madagdagan ng 30 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Dahil dito nasa 6,411 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa sakit ang gumaling na, habang nananatili sa 22 ang nasawi.