PNP, namahagi ng pagkain sa mga nasunugan sa Pasig

Namahagi ang Philippine National Police (PNP) ng pagkain sa mga biktima ng sunog na naganap noong Miyerkules ng gabi sa Tambakan 2, Tuazon Compound, Brgy. San Miguel, Pasig City.

Ang distribusyon ng mga food packs ay isinagawa ng mga tauhan Pasig City Police Station na pinangunahan ni PLt. Col Robert Delos Reyes at PLt. Catherine Deligente, sa pangangasiwa ni Pasig City Police OIC PCol. Roman Arugay.

Nasa 106 na pamilya o 429 na indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa San Miguel Elementary School evacuation ang nakatanggap ng food packs.

Ang proyekto ay sinuportahan ng Caniogan Police Sub-Station personnel na pinamumunuan ni PCapt. Engelbert Dumaguing, sa tulong ng SM Supermalls.

Kamakailan ay inilunsad ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang Barangayanihan project ng PNP kung saan inatasan niya ang mga local area commanders na magtatag ng mga food Bank para mamahagi ng pagkain sa mga nangangailan sa kanilang nasasakupan.