PNP, nakapagtala ng may 48 insidente ng krimen, aksidente, at kaguluhan ngayong Semana Santa

48 insidente ng krimen, aksidente at kaguluhan ang naitala ng Philippine National Police ngayong Semana Santa.

Ito ang iniulat ni PNP Spokesman CSupt. John Bulalacao na sinabing ang bilang na ito ay mas mababa kumpara sa naitala ng PNP noong nakaraang taon.

Ayon kay Bulalacao, sa pangkalahatan ay naging maayos ang pagpapatupad ng PNP ng seguridad nitong nagdaang Holy Week.

Pero aniya, hindi pa tapos ang trabaho ng PNP dahil marami pa ring magsisipag-uwian sa Metro Manila ngayong linggong ito at nakaalalay pa rin ang PNP partikular ang Highway Patrol Group sa mga manlalakbay.

Mananatili pa rin aniya ang Full Alert Level ng PNP hanggang sa matapos ang summer vacation dahil inaasahan pa rin na magsisipuntahan ang maraming mamamayan sa mga iba’t ibang mga tourist destination ngayong summer.

Aniya, ang susunod na holiday na tututukan ng PNP pagkatapos ng paggunita ng Semana Santa ay ang Araw ng Kagitingan sa Abril 9. | via Leo Sarne