PNP, nakahanda sa posibleng panggugulo ng NPA sa Barangay at SK Elections

Nakahanda ang PNP sa posibleng panggugulo ng NPA sa Barangay at SK Elections.

Ito ang tiniyak ni outgoing Philipine National Police Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ilang araw bago niya ipasa ang kanyang tungkulin kay incoming PNP Chief Oscar Albayalde.

Ayon kay Dela Rosa, nakalatag na ang lahat ng security preparations ng PNP para sa halalan sa Mayo 14, at ang tanging gagawin na lang ni Albayalde ay siguruhing masunod ang plano.

Bagama’t wala aniyang namo-monitor na security threat ang PNP, laging may posiblidad na samantalahin ng NPA ang halalan para manggulo.

Una nang inihayag ni PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao na 5,744 baranggays sa buong bansa ang nasa watchlist ng PNP bilang mga election hotspots.

Kasama sa mga lugar na ito ang mga barangay na may presensya ng mga armadong grupo, partikular ang NPA. | via Leo Sarne