PNP, nagsagawa ng sorpresang “Earthquake Drill” sa Camp Crame

Isang sorpresang “Earthquake Drill” ang isinagawa ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ngayong umaga.

Eksakto alas-8 pagkatapos ng flag-raising ceremony pinatunog ang sirena sa loob ng kampo na naging hudyat sa pagsisimula ng earthquake drill.

Bahagi ng ehersisyo ang lahat ng PNP personnel, na lumabas sa kani-kanilang mga tanggapan para magtungo sa mga open areas sa Camp Crame.

Dito ay isinagawa nila ang “duck, cover and hold” move, na bahagi ng pag-iingat sa mga “falling debris” sa panahon ng lindol.

Aktibong isinasagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) kada quarter ang “shake drills,” bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng “the big one” o ang pinangangambahang malakas na pagyanig na magaganap sa Metro Manila dahil sa maaring pagkilos ng west valley fault. | ulat ni Leo Sarne