PNP, naghihintay ng panibagong supply ng bakuna

Wala pang natatanggap na panibagong batch ng bakuna ang Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, ito’y sa dahilang natapos na nilang bakunahan ang lahat ng kanilang mga tauhan na pasok sa A1, A2, at A3 category.

Ang mga frontline health workers ang nasa A1 category; mga senior Citizens naman ang nasa A2; at yung mga may co-morbity ang A3.

Sa ngayon aniya ay puro nalang nasa A4 category, o frontline personnel sa essential sectors, ang natitira sa hanay ng PNP kaya wala na silang bagong alokasyon ng bakuna.

Naghihintay lang aniya sila na sinisimulan ng pambansang pamahalaan ang pagbabakuna sa kategorya na ito.

Sa oras na simulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa A4 category, sinabi ni Gen. Eleazar na siya mismo ang mangunguna sa mga magpapabakuna sa PNP.