PNP Maritime Group, nag-deploy ng tactical boats vs Abu Sayyaf

Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) Maritime Group ng limang tactical boats kontra sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Police BGen Rwin Pagkalinawan, hepe ng PNP-Maritime Group, ang limang high speed tactical boat ay maituturing na parang armoured personnel carrier sa karagatan, na nagkakahalaga ng P13 milyon bawat isa.

Ikinalat aniya nila ang mga ito sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, kung saan kadalasan namomonitor ang presensya ng teroristang grupo.

Maliban sa mga tactical boat, mayroon aniyang 300 PNP-Maritime personnel na naka-assign para tumulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kampanya kontra sa ASG.

Matatandaan na una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP at PNP na pulbusin na ASG.