PNP Maritime Group, inatasan ni PNP Chief na maghatid ng mga doktor sa mga binahang lugar

Inatasan ni PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan ang PNP Maritime Group para maghatid ng mga doktor sa mga lugar na sinalanta ng baha.

Ito’y matapos na i-activate ng Philippine Medical Association ang kanilang “doctors on boats” nationwide project.

Si Cascolan ang tumulong mag-organisa ng “doctors on boats” project noong panahon ng typhoon Pablo.

Dito’y umalalay ang PNP sa mga doktor sa paghahatid ng emergency medical services, pagkain, tugig at konting relief goods sa mga lugar na isolated dahil sa baha, gamit ang mga speedboat ng maritime group.

Kasabay nito, inatasan ni Cascolan ang PRO 7 na magpadala ng karagdagang tropa sa Bicol para tumulong sa PRO 5 sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.

Kasalukuyan na rin aniyang inihahanda ang mga relief supplies sa Camp Crame na ipapadala sa Region 4b, Region 3, Region 4a at Region 5.