PNP, makikipag-ugnayan sa pamunuan ng mga paaralan para sa mga campus anti-drug ops

Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa pamunuan ng mga paaralan bago magsagawa ng mga anti-drug operations sa mga campus.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police Dir. Gen. Oscar Albayalde, matapos na pahintulutan ng Comission on Higher Education (CHED) ang PNP na kumilos laban sa mga gawain na may kinalaman sa iligal na droga sa mga kolehiyo at unibersidad.

Pero ayon kay Albayalde sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na ulat na pinasok na mga mga sindikato ng droga ang mga paaralan.

Kung meron man silang matunugan na paaralan kung saan talamak ang bentahan ng iligal na droga, ang anumang operasyong ilulunsad nila ay ipagbibigay-alam nila sa school administration.

Tiniyak ng PNP Chief na mananig ang rule of law at lubusan gagalangin ng PNP ang karapatang-pantao sa kanilang mga operasyon sa mga paaralan.  | ulat ni Leo Sarne