PNP, mag-aadjust sa pagbaba ng NCR sa COVID alert level 2 ngayong araw

Aayusin ng PNP ang kanilang action plan sa pagpapatupad ng mga health protocols sa pagbaba ng National Capital Region (NCR) sa COVID Alert Level 2 ngayong araw hanggang sa Pebrero 15.

Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, dahil sa pinapayagan na ang mga bata na lumabas sa ilalim ng alert level 2, inaasahan ng PNP ang pagdami ng mga tao sa mga pampublikong lugar dahil sa mga batang isasama ng mga magulang.

Pakiusap ng PNP Chief sa mga magulang na kung maari ay iwasang isama ang mga bata sa hindi importanteng lakad.

Mas mabuti na aniyang manatili narin ang mga bata sa bahay para maiwasan ang kanilang possibleng exposure sa virus sa mga “crowded” na lugar.

Gayunpaman, tiniyak ng PNP Chief na magdedeploy ng sapat na tauhan ang PNP sa mga “areas of concern”.

Inabisuhan din ni Carlos ang mga local police commanders na makipag-ugnayan sa kanilang mga LGU para sa mga health protocols na ipatutupad sa kanilang mga lokalidad.