PNP-Isulan, nilinaw na isa lang ang pagsabog kagabi taliwas sa dalawa na unang napaulat 

Nilinaw ni Isulan Chief of Police Supt. Celestino Daniel na isa lang ang naganap na pagsabog kagabi sa Isulan, Sultan Kudarat, taliwas sa ilang mga ulat na dalawang bomba ang sumabog.

Ayon kay Daniel, nangyari ang pagsabog sa harap ng J and H Marketing malapit sa isang ukay-ukayan sa Brgy. Kalawag 3 ng naturang bayan pasado alas-8:00 ng gabi kasabay ng selebrasyon ng Hamungaya Fstival sa naturang bayan.

Dalawa na ang kumpirmadong nasawi sa insidente na kinilalang sina Davy Shane Alayon, 7 taong gulang at Leni Ombrog, 52 yrs old.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya may taong na nag-alok ng rambutan sa lugar na kinaroroonan ng CAFGU at sundalo na nagpapatupad ng seguridad.

Hindi ito tinanggap, at nang sitahin ang kanyang backpack bigla itong kumaripas ng takbo at doon na sumabog ang bomba.

Dahil dito dalawang sundalo at isang miyembro ng CAFGU ang kabilang sa nasugatan.

Sa ngayon blangko pa rin ang mga otoridad sa kung sino ang may kagagawan ng naturang pagsabog.  | ulat ni Leo Sarne