PNP-IAS, isasailalim sa lifestyle check ang mga pulis iskalawag

Isasailalim ng Philippine National Police Internal Affairs Office¬†(PNP-IAS) sa lifestyle check ang mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang klaseng ng iligal na aktibidad.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfergar Triambulo, tapos na nila ang operation plan para sa ikakasang lifestyle investigation sa mga pinaniniwalaang tiwali at abusadong pulis.

Nakipag-ugnayan na aniya sila sa ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Office of the Ombudsman, BIR at LRA para sa imbestigasyon.

Kasama sa lifestyle check na ito ang mga dati at kasalukuyang pulis, maging ang kanilang mga kaanak. | Nimfa Mae Asuncion