PNP health workers, handang tumulong sa vaccination program ng LGUs

Handa ang Philippine National Police na tulungan ang mga local government Unit sa kanilang vaccination program.

Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, libre ngayon ang kanilang mga Health workers sa PNP Health Service dahil nabakunahan lahat ang kanilang mga tauhan sa A1, A2 at A3 Category.

Paliwanag ni Eleazar, naghihintay lang naman ang PNP na simulan na ang pagbabakuna sa A4 category para muling ituloy ang pagbabakuna sa mga pulis.

Sinabi ni Eleazar nakikipag-usap sila ngayon sa LGU ng Quezon City upang maipahiram ang kanilang mga PNP Health personnel para sa pagbabakuna, habang wala pa silang panibagong babakunahan sa PNP.

Wala naman aniyang problema sa kanila ito dahil inatasan ng Pangulo ang PNP na tumulong sa national vaccination program.