PNP, handang harapin ang NPA

PANOORIN | Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde inihayag na handa ang PNP na harapin…

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, August 28, 2019

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na handa ang PNP na harapin ang NPA sa lahat ng “fronts” kung saan isinusulong nila ang kanilang laban sa gobyerno.

Ang pahayag ng PNP chief ay matapos na ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang problema sa insurhensya sa bansa.

Ayon sa PNP chief, maliban sa armadong pakikibaka sa NPA, ay sinimulan na rin nilang harapin ang mga “legal fronts” ng NPA sa iba pang larangan gaya sa agriculture, labor, health, religion at academe.

Kahit sa larangan ng politika na hindi saklaw ng PNP ay may mga naatasan na din aniyang haharap sa kanila.

Ayon sa PNP chief, nakikiisa sila sa “whole of nation” approach ng pamahalaan sa pagresolba sa problema ng insurgency.

Sa katunayan ay may binuo ng National Task Force Delta na tutugon sa lahat ng legal fronts kung saan aktibo ang CPP-NPA.