PNP, hahanapin ang 40 foreign terrorist na iniulat na nakapasok sa bansa

Itinanggi naman ni Dela Rosa na nalusutan ng mga terorista ang mga security measures na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni PNP chief PDG Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaugnay ng naunang pahayag ng Western Mindanao Command na may intelligence reports silang natanggap na nakapasok ang mga naturang foreign terrorist sa bansa sa pamamagitan ng pagtawid sa dagat.

Itinanggi naman ni Dela Rosa na nalusutan ng mga terorista ang mga security measures na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ayon kay Dela Rosa, ang “fact” na na-monitor ang umano’y pagpasok ng mga terorista sa bansa ay patunay na aktibong kumikilos ang security forces ng bansa.

Pero binigyang-diin ni Dela Rosa na ang mga report na ito ay subject for verification pa.

Kaya aniya, tutulungan ng PNP ang AFP sa paghahanap sa naturang foreign terrorists upang ma-validate ang kanilang presensya sa bansa. | via Leo Sarne