PNP, hadang tulungan ang PDEA sa imbestigasyon ng mga barangay officials na kasama sa narco-list

Handang tulungan ng Philippine National Police (PNP) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pag-iimbestiga ng mga baranggay official na nasa inilabas na narco-list ng PDEA.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde matapos ilabas ng PDEA kahapon ang beripikadong listahan ng mga baranggay officials na involved sa iligal na droga.

Ayon sa PNP Chief, naghihintay lang ang PNP sa anumang request ng PDEA kaugnay nito.

Nagpahayag naman ng pag-sang ayon si Albayalde sa pagsisiwalat ng PDEA ng mga baranggay officials na may kaugnayan sa iligal na droga.

Sinabi ng PNP chief makatutulong ito sa mga botante sa kanilang pagpili ng kanilang mga lider sa darating na barangay at SK polls.

Una nang ipinanawagan ng Pangulong Duterte sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidato na may kinalaman sa iligal na droga. | via Leo Sarne