PNP-FEO Chief BGen. Val de Leon, pormal na manunungkulan bilang bagong PRO-7 Director ngayong araw 

Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang turnover ceremonies ng Police Regional Office 7 ngayong araw kung saan pormal na uupo bilang bagong PRO-7 Regional Director si Police Brigadier General Valeriano De Leon.

Ito’y matapos na mag-assume kahapon bilang bagong National Capital Region Police Office  (NCRPO) Director si dating PRO-7 Regional Director Police Brig. Gen. Debold Sinas.

Si Brig. Gen. Val De Leon ang kasalukuyang hepe ng Director ng PNP Firearms and Explosives Office.

Si De Leon ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Makatao Class of 1989 habang si Sinas ay miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987.

Hindi pa tukoy ni PNP Spokesperson Brig. Gen.  Bernard Banac kung sino ang papalit sa ibabakanteng pwesto ni De Leon bilang hepe ng PNP FEO.

Pansamantala munang magiging acting FEO chief ang deputy commander ni De Leon na si Police Col. Westrimundo Obinque.