PNP-Drug Enforcement Group, nakabantay sa pagkalat ng party drugs ngayong summer vacation

Nakabantay ang PNP-Drug Enforcement Group o PDEG sa pagkalat ng mga party drugs sa mga kabataan ngayong summer vacation.

Ayon kay PDEG Director CSupt Albert Ignatius Ferro, kasabay ito ng pagpapatupad ng PNP ng Oplan SUMVAC 2018.

Batay aniya sa karanasan, lumalaganap sa panahong ito ang bentahan ng mga party drugs sa mga club at mga resort kung saan nagtitipon ang mga kabataan at mga turista.

Ayon kay Ferro, ayaw na nilang maulit pa ang nangyari noong noong March 22, 2016 kung saan namatay ang 5 kabataan sa isang concert sa MOA matapos mag-over dose sa droga.

Ipinag-utos na aniya ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na magsagawa ang PDEG ng mga anti-drug operations na naka-focus sa mga party drugs tulad ng Ecstacy at Cocaine. | via Leo Sarne