PNP Custodial Center, handa na para kay Trillanes – PNP Spokesperson

Handang tanggapin ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center si Sen. Antonio Trillanes kung sakaling ipag-utos ng Korte na dun ito iditine.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson CSupt. Benigno Durana, sa gitna ng mga lumutang na ulat na posibleng maglabas ng panibagong arrest warrant ang korte laban sa senador sa kasong coup’ d etat na unbailable.

Si Trillanes ay pinahintulutang magpiyansa ng P200,000 piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan matapos isilbi kahapon ang unang arrest warrant sa kasong rebelyon.

Ayon kay Durana, kung sakaling hindi payagang magpiyansa si Trillanes sa panibagong kaso, at ipag-utos ng Korte na sa PNP Custodial Center ito i-commit, ay susundin nila ito.

Aniya, lagi namang bukas ang Custodial Center para sa pagditine ng sinumang ipag-utos ng Korte na ikulong doon, depende na lang sa availability ng selda.  | ulat ni Leo Sarne