PNP Chief, sinuportahan ang pahayag ng CHR laban sa NPA

Sinegundahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang pagkondena ng Commission on Human Rights (CHR) sa paggamit ng New People’s Army ng mga landmine laban sa mga sundalo at sibilyan noong nakaraang linggo sa Jipapad, Eastern Samar.

Sa naturang pag-atake, isang sundalo ng 52nd Infantry Battalion ng Philippine Army at dalawang Citizen Active Auxillary (CAA) ang nasawi.

Ayon sa PNP Chief, nakikiisa ang PNP sa pahayag ng CHR na patuloy ang paglabag ng CPP-NPA-NDF sa karapatang pantao sa pamamagitan ng paggamit ng mga landmine at pag-target sa mga sibilyan.

Ayon sa PNP Chief, hindi na idolohiya ang ipinaglalaban ng NPA dahil sa kanilang pag-target sa mga sibilyan at pang-e-extort sa mga negosyante.

Giit ng PNP Chief, walang accountability ang NPA para sa mga maling gawain ng kanilang mga miyembro, na para lang kriminal o terroristang grupo.