PNP Chief, pinanumpa sa tungkulin ang mga bagong pulis opisyal na nagtapos sa PNPA “Maragtas” Class of 2018

Pinanumpa sa tungkulin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang 76 sa 106 na bagong graduates ng PNPA “Maragtas” Class 2018 na piniling pumasok sa PNP.

Kabilang sa mga bagong pulis ang 27 taong gulang na si Police Cadet Fritz John Napalinga Vallador ng Kabangkalan City, Negros Oriental, na siyang class valedictorian.

Una nang inatasan ni Dela Rosa si Vallador at ang ibang mag-pupulis sa top 10 ng Maragtas Class na pumasok sa Special Action Force.

Ayon sa PNP chief, ang pagpasok ng mga pinakamagagaling na kadete sa SAF ay magbibigay pa sa kanila ng karagdagang kasanayan upang mas maging matagumpay sa kanilang career bilang mga pulis.

Ang mga bagong graduate ng PNPA na papasok sa PNP, BJMP at BFP ay itinalaga sa permanenteng posisyon, na may ranggong inspektor, sa isinagawang graduation ceremonies sa Camp CastaƱeda, Silang Cavite. | via Leo Sarne