PNP Chief, negatibo sa COVID-19

Pinawi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac ang pagdududa ng publiko tungkol sa kalagayan ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa matapos itong hindi makita sa publiko ng ilang araw.

Ito’y matapos na ihayag nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Felimon Santos na positibo sila COVID-19, habang si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay negatibo naman.

Ayon kay Banac, negatibo rin ang resulta ng COVID test ni Gamboa na kinuha dalawang linggo na ang nakararaan.

Sinabi ni Banac na nagpapatuloy naman ang trabaho ng PNP chief at mahigpit niyang sinusunod ang physical distancing at disinfection sa kaniyang mga tauhan at sasakyan sa pagpasok sa Kampo Crame.

Magugunita na isa-isang nag-self quarantine ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) matapos makasalamuha ang mga personalidad na una nang nagpositibo rin sa nasabing virus.